Sabado, Marso 19 2011

Keanne & Jana; Follow Your Heart

Napakasaya ng araw na 'to. Hindi lang dahil sa Calvin. Pero dahil ngayong araw nangyari ang first date namin ng Ate Strawberii/Real Life Sister ko, si Seanne Loise S. Patinio-Tan. :-)

Sa pagkakatanda ko.. Umaga nag-gm siya. Naghahanap ng makakasama sa paglalakwatsa. Naisip ko gusto ko siyang i-text para masabi kong gusto ko siyang makasama kaso gumagawa kami ng props nun para sa Noli (pictures to be posted soon) kaya naisip kong wag na lang. Pero mga bandang 10:30 ng umaga, nagtext siya: "Iana alis us". Nagmadali ako nun sa paghahanap kung sino mang may load. Tinext ko agad siya't tinanong kung anong oras ako pwdeng umalis sa practice. Sa paglipas ng oras nun, naeexcite ako. Wala lang, first time nga kasi naming umalis nang kami lang dalawa. Sa tagal na naming magkaibigan e ngayon pa lang kami magsasama nang ganun.

1:00 na. Wala na kaming ginagawa. At naaatat na rin akong makaalis at makasama si Ate Seanne. Galit na sila nung paalis kami ni Katreena. (Siya kasi yung kasabay ko papuntang MaSci, maaga raw kasi sila uuwi ng Papa niya) Maraming nagalit nung paalis na kami. Bakit? Dahil madami na ring gumaya sa pag-uwi. Pero kahit na ganun, ginawa ko lahat ng makakaya ko makasama lang si Ate Seanne ngayong araw. Gusto ko rin kasing makabawi sa kanya dahil namimiss ko na siya't matagal na rin nung huli kaming nakapagkwentuhan. At syempre, dahil malapit na rin siyang umalis ng MaSci. :-(

2:00 sakto nang makaalis kami ni Katreena. Buti nga hindi na kami namasahe dahil sobrang bait ng tatay ni Lanica. Habang pabalik kami ng MaSci. Tatlong msgs na ang narereciv ko kay Ate Seanne. At oo, nakakataranta yun. Kung ako nasa posisyon niya, aba, matataranta talaga ako. Iisipin ko baka paghintayin lang ako sa wala nito. O kaya naman e baka hindi naman ako siputin nito. Kung ako rin naman e, ayokong naghihintay at ayoko rin nang may naghihintay sa'kin. Nakakaewan kaya yung pakiramdam na ganun. (KAYA SORRY NA KUNG PINAGHINTAY KITA NANG SOBRANG TAGAL NUNG ISANG ARAW, JORELL. SUPER SORRY TALAGA.)

2:45 na yata nung makarating ako sa MaSci. Galing ba naman kasing Mendiola diba? Whew, init nun a.

Pagdating ko sa MaSci, nakita ko si Ate Seanne kasama si Kevin the Kupal. Sobrang kabaligtaran ng ineexpect kong mangyayari. Akala ko habang papunta ako kay Ate Seanne e babagyuhin niya ako ng mura dahil naghintay siya sa'kin. Pero iba pala. Imbis na galit na Seanne, naging malanding Seanne ang natagpuan ko. Kasama niya nga kasi si Kevin nun. Ang sweet at ang cute nilang tignan. Bagay na bagay. Pwede nang maging mag-syota o!

Mga past 3 na yata nung pumunta kaming Rob e. Thank God, kami lang dalawa. HAHAHAHAHAHA JK

Nung una, hindi pa namin alam kung saan ba talaga kami kakain. Pero dahil may usapan ngang mag-Shakey's kami bago siya grumaduate, napagdesisyunan na naming mag-Shakey's na lang. In behalf of Ms. Eldie Mae Villeno. Asan ka ba bitch miss na kita

Anyway, naging masaya yung moment na yun sa Shakey's. Hindi pa namin alam kung anong pizza ba talaga oorderin or what. Pero sa huli, napili rin namin ang Bunch of Lunch kay Ate Seanne at Hero, Salad n' Chicken naman sa'kin.





Usap-usap habang kumakain. Ilang beses niya akong minayndpak ngayong araw. Una, tungkol kay asdfghjkl at asdfghjkl. Pangalawa, tungkol kina asdfghjkl at asdfghjkl. At pangatlo, tungkol kay asdfghjkl. Syempre, secrets lang ng mag-ate yun.

Habang kumakain din pala kami naisip ni Ate Seanne na bumili raw kami ng isang bagay na parehas kami. Naisip ko agad yung statment shirts na tungkol sa sisters. Pero sobrang naghanap kami kaso wala talagang tungkol sa sisters. May nakita kami "Strawberry Fields Forever" (a song by The Beatles), kaso sobrang laki kaya napilitan na kaming iwanan ang department store ng Rob at maghanap na lang ng iba.

Sa araw palang 'to e ilang beses namin nakita yung sign na: "Follow Your Heart". Ano pang gusto mong iparating ha?

Unang nakita namin e yung pagkatapos namin kumain sa Shakey's at yung dalawa dun sa paghahanap namin ng t-shirts.



FYH na akala pa namin ay FYM. Hi Eldie! Love you!



Nung huli, napagdesisyunan naming magpa-personalize na lang ng bracelet sa pinkbox na katulad nung Christmas gift niya sa'kin. At eto na nga yung naging bracelet namin..




At syempre, hindi talaga pwedeng hindi mahahaluan ng kalandian yung araw na 'to e. Kaya bumili kami ng pendant na K at J. Oha, ganyan namin kayo kamahal. :">




Tapos nagpalipas na lang kami ng oras sa food court. Dun kami tumambay at nag-usap na naman tungkol sa dalawang tao. Sina K at J. :-) Eto nga yung mga sinulat namin o..


Tapos ang dami ko pang gustong ikwento kaso hindi ko masabi lahat kasi sunud-sunod silang nasusulputan sa utak ko. Basta ang alam ko.. Si Ate Seanne lang yung kaibigang nakapagpigil sa'kin. Na huwag na raw akong papatol sa mga losers at hayaan na lang. Grabe, ate. Sobrang ate talaga kita! Real life talaga e! Maraming maraming salamat sa araw na 'to. Pinasaya mo ako! I love you forever! Sana habambuhay tayong maging magkaibigan. Stay happy :-)

PS. Hello sa taong gaya-gaya ng kulay ng damit ko kanina. I love you!

0 (mga) puna: