Dalawang linggo ko nang alam na may recollection na magaganap sa araw na 'to. (Ayon yan kay Ate Seanne) Sabi niya, first time lang daw magkaroon ng recollection ng Juniors. Kaya parang naisip ko, siguro sobrang sama na namin kaya kami nagkaroon ng recollection. (Oh, ano? Malay mo, diba? Joke lang!)
Umaga pa lang, sobrang lakas na ng feeling ko na magiging walang kwenta yung recollection. Hindi ko alam kung bakit, wala lang, nafeel ko lang siya.
8:30 na yata nang mag-umpisa yung recollection. Pag dating nung facilitator, (Hindi naman sa pag-aano, pero mukhang wala siyang kwenta sa pagfafacilitate) mas lalong lumakas yung feeling ko na magiging walang kwenta talaga ang reco day na 'to. Sabi ko pa nga kina Meryl, "Kapag ako hindi naiyak, walang kwentang recollection 'to."
Nagpakilala na yung facilitator. Si Brother James raw siya. Nagkatinginan kami ni Katreena, kasi nga diba, James (Younghusband) yung pangalan ng asawa ko. Tapos kinuwento niya pa samin na naniniwala raw siya na lahat raw ng lalaking may pangalang James, gwapo. Tapos nung nakita niya raw si Brother James, wala na. Nawala na raw yung paniniwala niyang yun. Mga kaibigan ko talaga no? Halatang kaibigan ko e! HAHAHAHA
Sharing stories. Sharing stories. Tapos nagkaroon ng activity. (yung pasa piso eklavoo). Tapos group sharing ng stories (group 4 ako kasama sina Nadia, Wendy, Princess, Joshua, at Benjamin) -- Naging masaya yung usapan ng grupong 'yon. Si Nadia lang naman yung walang "O" sa CHORES e! Hindi open, anakngtokwadamot!
Basta sobrang boring ng flow ng gathering na 'yon. Buti na nga lang at nung lunch e nakasama ko si Daine. Nagkaroon na din kami sa wakas ng oras na ma-update ang isa't isa! Sobrang namiss ko nga yun e. :-)
Pagkatapos ng lunch, part II na ng gathering. Humanap raw kami ng partner na hindi namin ganoon nakakausap sa classroom...naisip ko agad si Jethro. Wala lang, hindi kasi talaga kami nag-uusap nun kapag hindi kailangan e. Kaya ayun, siya yung pinili kong partner. Although nagkakapag-usap naman kami sa text, syempre iba pa rin yung personal, diba? At ayun, nakatulong naman kahit papaano yung recollection na yun na maging paraan para makausap ko na ulit siya. Hi Classmate! Salamat sa pagbabahagi mo ng mga kwento kanina. :-) Wtf kung kailan clearance na e no.
Pagkatapos nung activity na yun, pinagawa na kami ng sulat para sa magulang. Parang ako, naisip ko, "What the hell, ano bang recollection 'to, walang kwenta. Di man lang ako nakapagrealize ng mga bagay-bagay." Pero nagkamali pala ako, akala ko walang kwenta. Akala ko wala akong marerealize. Pero habang sinusulat ko lahat ng gusto kong sabihin sa mga magulang ko, ang dami kong naiisip, sobrang dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko nun. At sa sobrang dami ng mga bagay na naisulat ko dun, hindi ko na napigilan. Napaiyak na ako. Hindi talaga ako yung tipo ng tao na iyakin, pero grabe, pag dating talaga sa pamilya ko, sobrang naiiyak ako. Kahinaan ko talaga sila.
Anakngtipaklong, tama na. Ayokong mag-drama. Ang bottomline lang ng reco day na ito ay: BORING PERO NAPAIYAK AKO
Pakita ko na lang mga pictures.
Well, that's all for today.
Kailangan ko nang matulog e, ala-una na.
Ciao~
0 (mga) puna:
Mag-post ng isang Puna