Bago ang lahat. Alam niyo ba, nanaginip ako. May kaibigan daw akong bumalik. Sobrang nag-iyakan raw kami. Masaya na nga sana e, kaso nalaman ko rin sa panaginip kong yun na kaya pala siya bumalik sa'kin kasi hindi pala sila okay nung bago niyang kaibigan. Hayy.. C'est la vie!
Anyway, eto pala ang mga nangyari sa'kin ngayong araw:
Anyway, eto pala ang mga nangyari sa'kin ngayong araw:
- Napanood ang music video ng kantang "Vogue" ni Madonna sa MYX kaninang umaga habang nagbibihis. Wala lang, ang cool kasi nung video atsaka parang siyang Lady Gaga e.
- Nagtest ng French na madali, Chem na anakngtinapang sobrang hirap, English na paulit-ulit lang, Filipinong naghula ako sa Noli dahil hindi ako nagbabasa nun (buod lang) at MAPEH na walang kwenta kahit may sagot ka o wala.
- Naghintay sa isang tao. /at walang napala
- Kaya kumain na lang kasama si Ycasas. /yes nagkasama ulit kami sa wakas
- Nagpractice sa Noli. ETO. ETO TALAGA ANG HIGHLIGHT NG ARAW KO E. OO, ETO TALAGA. Alam mo kung bakit? Ngayon kasi natatag ang Youngwives. Alam mo yung Youngwives? Yun ay isang grupo ng mga ambisyosyang babaeng feeling nila asawa sila nina Phil at James Younghusband. Si Phil dun sa babaeng may pangalang Katreena Villanueva. Tapos si James dun sa Iana Madlangbayan. Tapos may isa pa nga kaming nakikilala ni Katreena na Younghusband e. Kilala mo kung sino? Si William!!!!!!!!!!! At ayon yan kay Rachelle Gonzales.
Katreena: Oh my god, Rachelle! Makakapanood ako ng laban ng Azkals sa Monday! Uuwi ako nang maaga! Gagawan ako ni Mama ng letter tapos susunduin ako ni Papa!
Rachelle: Teka, nalilito pa rin ako dun sa dalawa. Sino bang mas matanda, si Phil o si James?
Katreena: Si Phil yung kuya.
Rachelle: E sino si William?!
PANALO HAHAHAHAHAHAHA
Eto nga pala yung mga katibayan ng pagkakatatag ng Youngwives...
WILLIAM YOUNGHUSBAND! Benta talaga nito! Laughtrip e!
Pero naalala ko.. Saktong isang buwan na rin pala ang nakakalipas nang tuluyan na talaga kaming mahumaling sa Younghusbands. February 17 nun nang magsimula ang lahat ng kabaliwang ito. Gusto mo makakita ng katibayan?
Sige, ako na mataba.
- Pagkatapos ng practice ng Noli, pumunta kami nina Tin at Papa sa Rob. As usual, food trip na naman kapag kasama si Papa. Kumain kami sa Trablahblah Sicily. Basta may Sicily yun e. Sa 1st floor ng Rob, sa may Padre Faura entrance. Fine Italian Cuisine raw sila. Pero mukhang Italian Cuisine lang, walang fine. Pero kahit walang fine yung restaurant na yun sa pananaw ko, okay naman yung pizza nila. Nakakabitin nga lang... kaya... nag-Krispy Kreme kami! Kahit kailan talaga, walang kapantay mga donut dun e! =P~
oo nga pala...
HAPPY 2ND MONTHSARY MIMOSA! Love you girls! :-)
O sya sige, nais ko lang namang mag-share. Hanggang sa susunod na post! Paalam!











0 (mga) puna:
Mag-post ng isang Puna